Relationships

Tagalog Naman

Napadami yata ang inom ko ng Coke kagabi kaya alas dos na ng madaling araw ay sobrang hyper pa rin ang utak ko. Naisip kong malapit na ang kasal nila Kuya Peds at Ate Joyce. Wala pa akong ireregalo. Kaya naisipan kong gumawa ng kanta. Lilipat na kasi sila sa Batangas. Eh mas madaling bitbitin ang mp3.

Pero mahirap palang magsulat ng kantang Tagalog. O hindi lang talaga ako sanay. Nakagawa naman na ako dati. Pero matagal na yun. Eh mahal na mahal ni Kuya Peds ang Tagalog.

First time kong umattend ng kasal na 4:30AM magsisimula. Parehas daw kasi silang mas gising sa umaga. Kaya gumawa ako ng kantang may kinalaman sa “umaga.”

Ang kantang ito ay para sa maraming umagang sasalubongin nyo na magkasama.ย Congrats ulit, Kuya Peds at Ate Joyce! Limang araw na lang! ๐Ÿ™‚

Bagong Umaga

Verse 1
Ang bawat araw noo’y
Puno ng ligaya
Ngunit wari may kulang pa

Verse 2
Ang bawat yugto ng buhay ay
Puno ng pag-asa
Ngunit wari may kulang pa

Pre-chorus 1
Di ‘ko maintindihan
Ang nararamdaman
Sa bawat bukang-liwayway
May hinihintay
Naghihintay

Chorus 1
Ng bagong umaga
na ikaw ay kasama
at makapiling na sa habang-buhay
Dala ang pag-asang
Sa hirap at ginhawa
Ikaw ay kasama
Sa bagong umaga

Verse 3
Ang bawat araw ko ngayo’y
Puno ng ligaya
At wala nang kulang pa

Verse 4
Ang bawat yugto ng buhay ay
Puno ng pag-asa
At wala nang kulang pa

Pre-chorus 2
Ngayong ika’y naririto
Pagkalito ay naglaho
Ang bawat bukang-liwayway
Sabay hinihintay
Hinihintay

Chorus 2
Ang bagong umaga
Na ikaw ay kasama
Makakapiling na ng habang-buhay
Dala ang pag-asang
Sa hirap at ginhawa
Tayo’y magsasama

Bridge
Na ang Diyos ang gabay
Pag-ibig ang kaakbay
Sa ating paglalakbay

Chorus 3
Tungo sa bagong umaga
Ikaw ay kasama
Na ikaw ay kasama
Makakapiling ng habang-buhay
Dala ang pag-asang
Sa hirap at ginhawa
Tayo’y magsasama
Sa bawat bagong umaga

Advertisements

4 thoughts on “Tagalog Naman”

      1. It’s seriously challenging. Hahaha. Pero lingaw and fulfilling man when you finish it haha! Pero bitaw, again, good job Ems! ๐Ÿ™‚

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s